Tagalog Pocketbooks - Akala Ko Hindi Mo Pansin Kabanata 1
Unang tapak pa lang ni Jean sa buhanginan ng Isla Fuentebella, itinalaga na niya ang sarili na mananatili siya sa islang iyon, no matter what. Isla Fuentebella is her ultimate dream to live in. Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay. Pero ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort. She wants something, iyon bang wala siyang gagawin paggising sa umaga kundi ang mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng kanyang magandang bahay. Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy siya sa dagat ng paroot parito, hanggang sa siya ay mapagod at magpapahinga na siya nang padapa sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing. At siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda at malasutlang balat. At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking mayaman na pakakasal sa kanya at mag...